Alam mo yung feeling na sinisiraan ka ng tao sa ibang tao? Hindi mo alam eh, hindi mo alam yung nararamdaman ko, masakit yun eh.Kahit pinapakita ko na hindi ako apektado,hindi ko na lang pinapansin ,baka lalo pa lumala kapag pinatulan yung mga ganung issue,hindi naman ako artista para mag pa interview or mag explain sa mga tao kung ganun ganito o totoo, Ang sakin lang kung nakagawa ako ng mali, sinadya ko man o hindi ,eh dapat ako yung harapin o kausapin,Hindi yung maglalabasan sa kung ano anong websites, yung mga paninira na yun. Maririnig mo na lang sa ibang tao may issue palang ganun na lumabas ,wala kang kaalam alam. Mag explain ka man o hindi,para sa mga sarado ang isip,maling mali ka pa din. Nakakalungkot may mga tao kang binigyan ng tiwala, ng pagmamahal ,pero sa kabila nun ,tatablahin ka.Kung ikaw nasa katayuan ko, paano mo mahahandle yung ganung kaliit na problema pero lumalawak ng lumalawak dahil sa maling balita o maling kwento. Kung ikaw din nasa kalagayan ko sana maisip mo, yung tao may damdamin yan, hindi yan robot na kapag sinampal mo o binato mo ng talikuran, hindi pwedeng hindi sya magrereact,natural nasaktan eh.Sana lahat ng tao aware dun..
July 10, 2011
nakakasakit ka na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment