Paano mo mapapa-feel sa isang tao ang gusto mong ma-feel niya lalo na kung galit siya?
Kailangan bang sabihin lahat sa taong mahal mo kahit yung sasabihin mo eh magiging reason para mag-away kayo?
Pag ba di mo sinabi ibig sabihin nagsisinungaling ka na o may itinatago ka na sa kanya which is masama ba?
Bakit pag galit ang mga tao, mas nag-iisip pa siya ng mga bagay na mas nagagalit siya kaysa isipin niya kung ano ang dapat gawin para maayos?
Bakit parang minsan masarap ang feeling ng nagagalit sa isang tao lalo na kung my feelings ka sa kanya?
Bakit kadalasan pag may problema tayo sa isang tao, di natin agad sinasabi sa tao na yun?
Bakit mas prefer natin na sabihin muna sa iba kahit nandyan na lahat ng possibilities na mag-usap kau?
Bakit minsan tumatagal pa yung mga walang kwentang pinag-awayan?
Bakit naman pag my gusto tayung isang tao, di natin sabihin sa tao na yun agad?
Bakit mas gusto nating malaman muna ng lahat at yung tao na yun ang huling makakaalam?
Bakit minsan hindi tau makapag-decide kung mahal nga natin ang isang tao?
Bakit kaylangan pa natin ang sulsol ng kaibigan, barkada, o tropa?
Bakit minsan mas matagal nating patawarin ang taong my feelings tayo o mahal natin kaysa sa mga barkada, o bestfriend?
Bakit pag may pinagseselosan ka sa taong mahal mo, nawawala yung love?
Bakit minsan sa sobrang pagmamahal natin, nagiging selfish tayo sa tao na yun samantalang hindi dapat nagco-co-exist ang love at selfishness?
Bakit tinatago natin sa salitang “bitterness” kapag minsan hindi tayo minahal ng taong mahal natin at hindi natin nakuha yung gusto natin samantalang “selfishness” ang tawag dun?
Bitterness bang maituturing kapag sinisisi natin ang isang tao dahil hindi tayo ang minahal o pinili nya?
Bakit minsan dapat sisihin yung mga tao na pinaghihintay tayo samantalang hindi naman nila kasalanan na ipagdiinan natin ang sarili natin sa kanila?
Paano ba nalalaman kung deserving ang isang tao sau o vice versa? Kaylangan bang ang ibang tao ang magsabi o magdecide nyan imbes na kaung dalawa?
Bakit minsan mas nagse-self-pity tau kaysa mag-self-realization?
Kaya ba nagmamahal ang isang tao eh para masaktan sa bandang huli at magmahal ulit?
Madali ba tayung matuto?
Bakit may mga babaeng hindi makapaghintay magkaroon ng boyfriend samantalang paghihintayin naman nila sa sagot nila? Para ba kwits?
Bakit may mga lalaking marami mag-gf samantalang kadalasan naman lahat yun eh nasaktan sila?
Masarap bang laging nasasaktan?
Bakit kahit gaano ka kagaling mag-handle ng relationship, kahit genius o expert ka pa, ang hirap sagutin ng mga tanung na yan? Di ba?